
Born: 5 February 1953
English: Freddie Aguilar
Nationality: Filipino
Bio: Link
Genres: Folk, Manila sound
Playlist
Alaala
Anak
Buhay Nga Naman Ng Tao
Buhay
Bulag, Pipi, Bingi
Higit Sa Lahat Tao
Ina
Ipaglalaban Ko
Kinabukasan
Magbago Ka
Magdalena
Maligayang Kaarawan
Problema
Pulubi
Sa Kabukiran
Sariling Atin
Akin pang naaalala Noong si Ama'y nabubuhay pa Ang sabi niya'y, Freddie Mag-aral kang mabuti Tulungan mo ang 'yong sarili Ang nais niya'y hindi nasunod 'Pagkat ako'y may dahilan Ang nais ko'y umawit Tumugtog ng gitara At ako'y kanyang pinagbigyan At kami'y nagkahiwalay 'Pagkat ako'y nangibang-bayan At nang kami'y magkita Siya ay bangkay na Pumanaw na ang aking ama Saan man siya naroroon Mga payo niya'y tataglayin ko Ang kanyang alaala Ay lalagi sa isip ko Kahit siya'y wala na Akin pang naaalala Noong si Ama'y nabubuhay pa Ang sabi niya'y, Freddie Mag-aral kang mabuti Tulungan mo ang 'yong sarili Tulungan mo ang 'yong sarili Tulungan mo ang 'yong sarili Tulungan mo ang 'yong sarili
Anak
No'ng isilang ka sa mundong ito Laking tuwa ng magulang mo At ang kamay nila ang 'yong ilaw At ang nanay at tatay mo'y 'Di malaman ang gagawin Minamasdan pati pagtulog mo At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay Sa pagtimpla ng gatas mo At sa umaga nama'y kalong ka Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo Ngayon nga ay malaki ka na Ang nais mo'y maging malaya 'Di man sila payag, walang magagawa Ikaw nga ay biglang nagbago Naging matigas ang iyong ulo At ang payo nila'y sinuway mo 'Di mo man lang inisip na Ang kanilang ginagawa'y para sa iyo 'Pagkat ang nais mo'y masunod ang layaw mo 'Di mo sila pinapansin Nagdaan pa ang mga araw At ang landas mo'y naligaw Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo At ang una mong nilapitan Ang iyong inang lumuluha At ang tanong, "Anak, ba't ka nagkaganyan?" At ang iyong mga mata'y biglang lumuha Nang 'di mo napapansin Pagsisisi ang sa isip mo't Nalaman mong ika'y nagkamali Pagsisisi ang sa isip mo't Nalaman mong ika'y nagkamali Pagsisisi ang sa isip mo't Nalaman mong ika'y nagkamali
Buhay nga ba'y sadyang ganyan Ang hirap ay 'di natin maiwasan Kalungkutan ay lagi na lang Kasiyahan ay minsan lang makamtan O, buhay Kahit sa mga mayaman Ay 'di lubos ang kanilang kasiyahan Sa buhay ng mahirap ay gayon din Lalo pa't kay dami mong mga utang O, buhay Kaya ang dapat nating gawin Maglibang-libang at ating limutin Buhay ng tao'y sadyang ganyan 'Di mo na dapat na pagtakahan O, buhay - o, buhay Sadyang ganyan
Oh ang buhay nga naman ng tao 'Di mo maintindihan at 'di mo malaman Kung saan ka tutungo At kung nakamit mo na ang pangarap 'Di pa rin masiyahan ang nais mo'y madagdagan Limot mo na ang 'yong pinagmulan Bakit nga ba ganito Ang tao'y walang kasiyahan La la la la la la la la Bakit nga ba ganito Ang tao'y walang kasiyahan
Sa bawat yugto ng buhay May wasto at may mali Sa bawat nilalang Ay may bulag, may pipi, at may bingi Madilim ang 'yong paligid, hating-gabing walang hanggan Anyo at kulay ng mundo sa 'yo'y pinagkaitan 'Wag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan Hindi nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo Hindi makita, 'di madinig, minsa'y nauutal Patungo sa hinahangad na buhay na banal Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin Sigaw ng puso't damdamin, wala sa 'yong pumapansin Sampung daliri, kaibigan, d'yan ka nila pakikinggan Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman Hindi nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo Hindi makita, 'di madinig, minsa'y nauutal Patungo sa hinahangad na buhay na banal Ano sa 'yo ang musika? Sa 'yo ba'y mahalaga? Matahimik mong paligid, awitan ay 'di madinig Mapalad ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo Hindi nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo Hindi makita, 'di madinig, minsa'y nauutal Patungo sa hinahangad na buhay na banal Hindi makita, 'di madinig, minsa'y nauutal Patungo sa hinahangad na buhay na banal
Iyong ihandog ang buhay at puso Sa bawat tao sa ibabaw ng mundo Pangalagaan ang katahimikan At ialay mo ang kadakilaan Higit sa lahat ay tao Ito'y dulutan ng kasaganahan Ito'y handugan ng kaligayahan Gawing matatag ang iyong kalooban Bigyang liwanag ang bawat isipan Higit sa lahat ay tao Iyong ihandog ang buhay at puso Sa bawat tao sa ibabaw ng mundo Pangalagaan ang katahimikan At ialay mo ang kadakilaan Higit sa lahat ay tao Higit sa lahat ay tao Higit sa lahat ay tao
Siya ang iyong ina Na sa 'yo'y nagsilang Siya ang 'yong ina Na sa 'yo'y nagmahal Magmula nung bata ka Ay 'di ka niya binayaan Lagi siya sa 'yong tabi 'Di humihiwalay sa 'yong piling Siya ang 'yong ina Na sa 'yo'y nagmahal Siya ang 'yong ina Na ngayo'y lumuluha Siya ang 'yong ina Ano ang iyong ginawa Labis mong sinaktan Ang kaniyang damdamin 'Di mo man lang pinansin Ang kanyang mga bilin Siya ang 'yong ina Na sayo'y nagmahal Siya ang 'yong ina Na sayo'y nagmahal Siya ang 'yong ina Na sayo'y nagmahal Siya ang 'yong ina Na sayo'y nagmahal
Ikaw ang pag-asa Nasa 'yo ang ligaya Sa piling mo, sinta Iyon ang pagdurusa Madilim na kahapon 'Di ko na alintana Dahil sa 'yo, sinta Buhay ko ay nagbago Ano man ang mangyari, 'di kita iiwan Ipaglalaban ko ang pag-ibig mo Ipaglalaban ko hanggang sa dulo ng mundo Ang ating pag-ibig, giliw ko Ano man ang mangyari, 'di kita iiwan Ipaglalaban ko ang pag-ibig mo Ipaglalaban ko hanggang sa dulo ng mundo Ang ating pag-ibig, giliw ko Aanhin ko ang buhay Kung hindi ka kapiling? Mabuti pa'ng pumanaw Kung hindi ka sa akin Ano man ang mangyari, 'di kita iiwan Ipaglalaban ko ang pag-ibig mo Ipaglalaban ko hanggang sa dulo ng mundo Ang ating pag-ibig, giliw ko Ano man ang mangyari, 'di kita iiwan Ipaglalaban ko ang pag-ibig mo Ipaglalaban ko hanggang sa dulo ng mundo Ang ating pag-ibig, giliw ko Ipaglalaban ko hanggang sa dulo ng mundo Ang ating pag-ibig, giliw ko
Ikaw pala lagi kang ganyan 'Di ka na ba matututo Kinabukasan ay pinabayaan mo Wala nang katinuan sa utak mo Kain, tulog, walang trabaho 'Di ka ba nahihiya sa asal mo Kahit na anong pangaral sa'yo 'Di pumapasok sa'yong ulo Tumatanda kang walang pakinabang Sakit sa ulo ang dulot mo Adik ka sa mga tao Dapat kang mahiya sa balat mo Kain, tulog, walang trabaho Daig mo pa ang isang aso Kahit na anong pangaral sa'yo 'Di pumapasok sa'yong ulo
'Di ka man lang nag-isip 'Di ka man lang nagsikap Pinabayaan mo ang iyong kinabukasan Ba't ka ganyan? 'Di naman sila nagkulang Ibinigay ang 'yong kailangan Bakit bumagsak ka sa kalokohan? Nagpabaya ka Lagi kang naglalasing Magulang mo'y 'di pinapansin Nais lang naman nila'y sa 'yong kabutihan Magbago ka Magbago ka, magbago ka Magbago ka Kung lalagi kang ganyan Ikaw ay walang pupuntahan Baka umabot ka hanggang sa kulungan Mag-isip ka 'Di ka ba naaawa Sa 'yong mahal na ama't ina? Nabibilang na ang kanilang mga araw Magbago ka Magbago ka, magbago ka Magbago ka 'Di ka ba naaawa Sa 'yong mahal na ama't ina? Bibiguin mo ba ang kanilang mga pangarap? Magbago ka Magbago ka, magbago ka Magbago ka Nang 'di ka magsisi sa huli
Tingin sa 'yo'y isang putik, larawan mo'y nilalait Magdalena, ikaw ay 'di maintindihan Ika'y isang kapos-palad, bigo ka pa sa pag-ibig Hindi ka nag-aral 'pagkat walang pera Kaya ika'y namasukan, do'n sa Mabini napadpad Mula noon, binansagang "kalapating mababa ang lipad" Hindi mo man ito nais, ika'y walang magagawa 'Pagkat kailangan mong mabuhay sa mundo Tinitiis mo ang lahat, kay hirap ng kalagayan Ang pangarap mo'y maahon sa hirap Kaya ika'y namasukan, do'n sa Mabini napadpad Mula noon, binansagang "kalapating mababa ang lipad" Magdalena, ikaw ay sawimpalad Kailan ka nila maiintindihan? Magdalena, ikaw ay sawimpalad Kailan ka nila maiintindihan? Magdalena Magdalena Ibig mo nang magbago at mamuhay na nang tahimik Ngunit ang mundo'y sadyang napakalupit Hanggang kailan maghihintay? Hanggang kailan magtitiis? Ang dalangin mo, kailan maririnig? Magdalena, ikaw ay sawimpalad Kailan ka nila maiintindihan? Magdalena, ikaw ay sawimpalad Kailan ka nila maiintindihan? Magdalena Magdalena
Narito na naman ang iyong kaarawan Hangad naming lahat ang iyong kaligayahan Pagtunog ng kampana Hihipan mo ang kandila At ang lahat ay sabay-sabay Sa pag awit ng Maligayang kaarawan Maligayang kaarawan Maligayang kaarawan Ang dalangin namin sa'yo Sana ay manatili masaya ang buhay mo Di lamang sa araw na ito Pagtunog ng kampana Hihipan mo ang kandila At ang lahat ay sabay-sabay Sa pag awit ng Maligayang kaarawan Maligayang kaarawan Maligayang kaarawan Ang dalangin namin sa'yo Maligayang kaarawan Maligayang kaarawan Maligayang kaarawan Ang dalangin namin sa'yo Maligayang kaarawan Maligayang kaarawan Maligayang kaarawan Ang dalangin namin sa'yo
Sari-saring problema Ang sa ulo mo'y tumotorta Lahat na halos ng paraan Sinubok mo ngunit 'di umubra Ba't 'di ka tumawa? Tumawa ka Tawanan mo ang 'yong problema 'Di mo dapat dibdibin At 'wag mong masyadong isipin Libangin mo ang 'yong sarili Tawanan mo ang 'yong problema Tumawa ka, bakit hindi? Tawanan mo ang 'yong problema Ganyan nga, kaibigan Tawanan mo ang 'yong problema 'Wag mong isipin nang todo Baka ikaw ay maloko Tumawa ka, bakit hindi? Tawanan mo ang 'yong problema Tumawa ka, bakit hindi? Tawanan mo ang 'yong problema
Ang suot niya ay lumang-luma At ang kanyang mga mata'y malamlam Banaag mo sa kanyang mukha ang kahirapan Maghapon siya sa mga daan Nanghihingi ng kaunting tulong At madalas n'yo siyang hamakin at libakin Siya ay pulubi hinahamak ninyo Siya ay pulubi tao ring katulad niyo At pagsapit ng dilim Wala man lang siyang matutuluyan Sa lamig ng paligid walang makublihan Kailan niyo siya kaaawaan Kailan niyo siya mauunawaan 'Pag ang lahat ay huli na siya'y lilimusan Siya ay pulubi hinahamak ninyo Siya ay pulubi tao ring katulad niyo Siya ay pulubi hinahamak ninyo Siya ay pulubi tao ring katulad niyo
Sa kabukiran, minsan kami ay namasyal Kasama ko ang aking barkada Sa isang kubo, doon kami ay lumugar At kami ay masaya, masaya Pagkagising mo sa umaga'y maririnig Mga ibong umaawit Himig na inaawit nila ay kay tamis At ikaw ay maaakit T'wing umaga ay naglalakad-lakad kami Minamasdan ganda ng paligid Pagsapit nitong dilim, tahimik ang paligid Mga bituin sa 'yo'y nakatitig Pagkagising mo sa umaga'y maririnig Mga ibong umaawit Himig na inaawit nila ay kay tamis At ikaw ay maaakit Ooh, la-la-la, la-la-la, la-la-la Sariwa ang hangin do'n sa bukid Ooh, la-la-la, la-la-la, la-la-la Mabibighani ka sa paligid Pagkagising mo sa umaga'y maririnig Mga ibong umaawit Himig na inaawit nila ay kay tamis At ikaw ay maaakit
Labis ang paghanga natin sa mga gawa ng dayuhan Di tuloy natin napapansin ang sariling kakayahan Wala nang ibang magmamahal sa atin kundi tayo na rin Tayo nang magkaisa, ibangon natin sadyang atin Ngayon na ang tamang oras, sariling atin ay tangkilikin Bago ang iba, sa atin muna ang dapat na unahin Tayo na ahh, tayo na Tayo na ahh, tayo na Ngayon na ang tamang oras, sariling atin ay tangkilikin Bago ang iba, sa atin muna ang dapat na unahin Tayo na ahh, tayo na Tayo na ahh, tayo na Wala nang ibang magmamahal sa atin kundi tayo na rin Tayo nang magkaisa, ibangon natin sadyang atin Tayo na ahh, tayo na Tayo na ahh, tayo na Tayo na ahh, tayo na Tayo na ahh, tayo na